Free Bike Lessons sa Emerald Ave. | June 22, 2024

June 19, 2024

Na-miss mo ba ang mga naunang bike lessons noong mga nakaraang buwan? Pwes, ito nang muli ang chance (at sign) na hinihintay mo!
Sa darating na Sabado, June 22, 2024, magkakaroong muli ng libreng bike lessons sa Emerald St., sa lugar kung saan ginaganap ang People's Street sa Barangay San Antonio. Para sa mga interesadong matutong mag-bike, magpunta lamang sa nasabing venue, simula 07:00AM hanggang 11:00AM.
Ang Free Bike Lessons ay naging posible sa pangunguna ng Pasig Transport, sa pakikipag-ugnayan sa Bicycle Friendly Philippines at Pinay Bike Commuter Community.
See you sa Sabado!