Fourth Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill | November 9, 2023
November 8, 2023
Kaisa ng National Disaster Risk Reduction and Management Council at Office of Civil Defense ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa pagsasagawa ng Fourth Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) bukas, Huwebes, November 9, 2023, sa ganap 09:00AM.
Kaugnay nito, inaanyayahan ang lahat ng mga empleyado at maging ang mga bibisita sa City Hall na makiisa sa pag-”Duck, Cover, and Hold” at makilahok sa evacuation drill kung saan ay kinakailangang pumunta sa designated evacuation sites (Hal. Pasig City GAD Compound, Tanghalang Pasigueño). Inaanyahan din ang mga barangay, eskwelahan, at mga pribadong lugar sa Lungsod ng Pasig na makiiisa sa nasabing drill.
Ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig ay lubos na umaasa sa kooperasyon ng bawat isa sa 4th Quarter NSED.