Flood Safety Tips | July 24, 2024
July 24, 2024
Kasalukuyang nakataas ang RED Rainfall Warning sa Metro Manila, kung saan kabilang ang Lungsod ng Pasig, dala ng Hanging Habagat at Bagyong Carina.
Maging alerto at handa po tayo. Ayon sa klasipikasyon ng RED rainfall warning, asahan ang patuloy na matinding pag-ulan, pagbaha, at posibilidad na pagguho ng lupa.
Narito ang ilang Flood Safety Tips na dapat tandaan at sundin bago, habang, at pagkatapos bumaha dala ng malakas na pag-ulan.