Flavors of NCR

April 19, 2024



Tara na at isama sa inyong Friday night at Saturday plans ngayong April 19-20, 2024 ang pagpunta sa Flavors of NCR!
Bukas ito simula 10:00AM hanggang 10:00PM sa Filinvest City, City, Central Park, Alabang, Muntinlupa City.
Tampok ang mga unique cuisine ng mga lokal na pamahalaan (16 na siyudad at 1 munisipalidad) sa Metro Manila! Ang booth Lungsod ng Pasig ay nilalahukan ng Aging's Food Delight, Koffie 22, at Panaderia Dimas-alang.
---
Ang Flavors of NCR ay handog ng Association of Tourism Officers - National Capital Region, sa pakikipagtulungan sa Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa bilang host local government unit sa pamamagitan ng kanilang Tourism, Culture, and the Arts Department.