Fire Prevention Month
March 1, 2023
Kaisa ng Bureau of Fire Protection at Department of the Interior and Local Government ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa selebrasyon ng Fire Prevention Month ngayong buwan ng Marso na may temang "Sa Pag-Iwas sa Sunog, Hindi Ka Nag-iisa!"
Bilang kick-off ceremony, isang Motorcade na lumibot sa Lungsod ng Pasig ang isinagawa kaninang umaga, March 1, 2023 sa pangunguna ng Pasig City Disaster Risk Reduction and Management Office (Pasig City DRRMO). Dinaluhan din ito ng mga representante mula sa Bureau of Fire Prevention - Pasig, Philippine National Police-Pasig, at Traffic and Parking Management Office. Bukod sa mga nasabing opisina ay nakilahok din ang mga kinatawan mula sa iba't ibang non-government organizations at volunteer firefighters na katuwang ng lokal na pamahalaan sa pagresponde sa mga sunog sa Pasig.