FEBRUARY IS NATIONAL ORAL HEALTH MONTH!

February 5, 2024



Kaisa ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa selebrasyon ng National Oral Health Month ngayong buwan ng Pebrero na may temang "Let's DOH-8! Vision 70-20: Opan Iwas Bungal!"
Bilang parte ng kick-off ceremony para sa National Oral Health Month sa Pasig, nagkaroon ng maiksing program na naging parte ng lingguhang pagtataas ng watawat, sa pangunguna ng City Health Department - Dental Section.
Sa tulong ni Dr. Noel Vallesteros, Chief ng Child Adolescent and Maternal Health Division - Disease Prevention and Control Bureau ng Department of Health, ipinaliwanag niya ang layon at approach ng Vision 70-20 Oplan Iwas Bungal. Sa kanyang pahayag, sinabi niya na sa ilalim ng Vision 70-20 hindi lamang ang mga senior citizen ang tututukan ng pansin kung hindi ang buong life cycle ng isang tao, mula sa pagbubuntis hanggang sa pagtanda. TRIVIA: Ang ibig sabihin ng 70-20 sa 70-20 vision ay mga Pilipino na may edad 70 at pataas ay may 20 at pataas pang functional na ngipin.
Sa kanyang pagtatapos, hinikayat niya ang mga PasigueƱo na mag- "Let's DOH-8!" (I-check ang material para sa mga hakbang sa pagpapanatili ng oral hygeine.)
Parte rin ng kick-off ceremony ng National Oral Health Month ang pagkilala sa ilang senior citizen mula sa iba't ibang barangay ng Pasig na nagsisilbing role model ng Vision 70-20. Bukod sa certificate ay nakatanggap din sila ng timba kit mula sa Department of Health.