FACT OR MYTH? | "Bawal kumain ng carbohydrates ang taong may diabetes?"

August 5, 2024

Bawal kumain ng Carbohydrates ang mga mayroong sakit na diabetes.
Ito ay isang….. MYTH!
Ang carbohydrates ay maaari pa ring kainin ng mga taong may diabetes bilang ito ang pangunahing pinagkukunan ng enerhiya ng isang tao.
NGUNIT, dapat maging mapagmatiyag sa DAMI at URI ng carbohydrates na kinakain dahil ito ay naipoproseso at nananatili sa katawan bilang BLOOD GLUCOSE.
Kaya naman, ang sobrang pagkain ng carbohydrates ay nakapagpapataas ng lebel ng asukal sa dugo.
Maraming pwedeng pagkain ang pinagmumulan ng carbohydrates tulad ng kanin, tinapay, bihon, pasta, patatas, mais, kamote, balinghoy (cassava), mga prutas, at iba pa.
Oh ayan ha! Pwede pa namang kumain ng Carbohydrates ang diabetic, basta tama lamang ang dami nito!
Lamang ang may alam kaya tumutok na sa #PCNCMythBustingMondays ng Pasig City Nutrition Committee!