Fact or Myth? Ang Nalaglag na Pagkain ay Pwede pang Kainin
November 25, 2024
"Ayy wala pa namang limang segundo! Pwede pa yan!"
.. ito ay 𝗠𝗬𝗧𝗛
Dahil….
HINDI, at hindi kailanman magiging magandang ideya na kainin pa ang mga pagkaing nalaglag.
Ang 5-second rule ay kasabihan lamang.
Ang mga mikrobyo ay maaring kumapit sa mga pagkain sa sandaling tumama ito sa sahig.
Ang mga mamamasa-masang pagkain (tulad ng isang hiwa ng mansanas) ay mas madaling makakakuha ng bacteria kaysa sa mga tuyong pagkain (tulad ng cookies).
Lamang ang may alam kaya manatiling nakatutok sa #MythBustingMonday ng Pasig City Nutrition Committee!