Evacuation Center para sa mga Naapektuhan ng Sunog sa Brgy. Manggahan

November 19, 2024

Kasalukuyang isineset-up ang Evacuation Center sa Kaalinsabay Covered Court para sa mga residente ng Kangkungan St. Villa Cruzis, Brgy. Manggahan na naapektuhan ng sunog.
Bukos sa Kaalinsabay Covered Court, may Evacuation Center din sa NAPICO Multipurpose Hall.
Itinaas ang first alarm ng Bureau of Fire Protection kaninang 06:35PM at umabot ito sa 3rd alarm ng 07:01PM (Pasig City DRRMO).
Bandang 09:07PM, idineklarang under control na ang sunog ngunit hindi pa rin ito tuluyang naaapula (as of time of posting).
Ongoing na rin ang koordinasyon para makapaghatid ng relief goods (food and non-food) sa nasabing evacuation centers.