ELEKSYON NG BARANGAY SENIOR REPRESENTATIVE

March 14, 2024



Tinatawagan ang mga senior citizen sa Pasig — makilahok at makisangkot para mas marinig!
Magkakaroon ng eleksyon ng senior citizen representative sa bawat barangay ng Lungsod ng Pasig!
At sino ba ang nasa posisyon para pumili ng magsisilbing boses ng senior citizens sa bawat barangay? Syempre, dapat, ang senior citizens din mula sa barangay mismo!
Alamin sa post na ito ang detalye tungkol sa eleksyon ng barangay senior representative sa Pasig.
——
Ano nga ba ang ibig sabihin ng pagiging barangay senior representative at sino ang mga kwalipikado na maging kandidato para rito? I-check ang photo #2 para rito.
Sino ang mangagasiwa ng eleksyon? Saan at kailan gaganapin ang mga eleksyon? Nasa photo # 3 naman ang sagot ito.
Ano ang gagawin ng isang barangay senior representative? Basahin ang photos # 4 at 5 para rito.
Ang pagkakaroon ng Barangay Senior Representative ay alinsunod sa Pasig City Ordinance No. 30, s. 2023. Ito ay parte ng naging amendment/pagrerebisa ng ilang probisyon sa Senior Citizen Code o Pasig City Ordinance No. 40, s. 2021.
——
Bukas, Marso 15, 2024, gaganapin ang pinakaunang eleksyon ng Barangay Senior Representative sa Barangay San Jose. Idaraos ang eleksyon sa San Jose Covered Court, 08:00AM - 12:00NN.
Bago pa man ang posting na ito ay nakipag-ugnayan na ang Pasig City Office of the Senior Citizens Affairs sa Pamahalaang Barangay ng San Jose at nakapagbigay na rin ng impormasyon sa mga senior citizen sa nasabing barangay.
Para sa mga katanungan tungkol dito, magpadala ng mensahe o mag-comment sa Facebook Page ng Pasig City OSCA.
Maaari ring panuorin ang video na ito: https://bit.ly/PC_BrgySrRep