Earth Earth 2023

April 22, 2023


Nakiisa ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa selebrasyon ng 2023 Earth Day ngayong araw, April 22, 2023 na may temang "Invest in our Planet."

Para sa selebrasyon ngayong taon ay nagsagawa ng tree planting activity ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa apat na lokasyon, kung saan tinatayang umabot sa higit 3,000 ang naitanim sa Parian Creek, Ortigas, Maybunga Rainforest Park, at Eastbank areas.

Pinangunahan ng Pasig City Environment and Natural Resources Office (CENRO) ang nasabing tree planting activity na dinaluhan nina Mayor Vico Sotto, Sangguniang Panlungsod Committee on Environmental Protection & Human Ecology Chairperson Councilor Kiko Rustia, mga kinatawan mula sa Office of the City Mayor, Maybunga Rainforest Park, CENRO, Solid Waste Management Office, South Asialink Finance Corporation, at Pamantasang Lungsod ng Pasig.