DOST PAGASA | Bagyong Pepito: Weather Update (as of 2:00PM, November 17, 2024)

November 17, 2024



Tropical Cyclone Bulletin
Super Typhoon #PepitoPH
Nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa Metro Manila, kung saan kabilang ang Lungsod ng Pasig
• Ayon sa latest forecast, makakaranas ng light to moderate rainfall sa Metro Manila sa susunod na tatlong oras.
• Ang kasalukuyang lokasyon ng sentro ng ST #PepitoPH ay coastal waters ng Baler, Aurora.
• Magdadala ng malakas na hangin at mataas na wind speed ang bagyong ito na tinatayang magpi-"peak" o pinakamararamdaman sa Lungsod ng Pasig bandang tanghali o hapon ngayong araw.
• Matapos nito ay unti-unti nang hihina yung epekto ng #PepitoPH sa Lungsod ng Pasig.
PAALALA na forecast lamang po ito at maaring mabago depende sa magiging paggalaw ng bagyo.
———————
• Sumunod sa abiso ng inyong barangay officials, lalo na kung kailangang mag-evacuate. Ihanda ang Emergency Go Bags para madaling dalhin kung kailangang lumikas.
• Manatiling alerto at patuloy na i-monitor ang lagay ng panahon. Magkakaroon ng susunod na update nito mula sa PAGASA mamayang 05:00PM.
• Para sa emergencies, tumawag sa Pasig City Hotline Number 8643 0000.
Mag-ingat po ang lahat!