DISTRIBUTION OF SENIOR CITIZEN BENEFIT CASH CARDS (Unclaimed Cards from Batch 1 and Batch 2 and New Cards - Batch 3)

November 6, 2022

DISTRIBUTION OF SENIOR CITIZEN BENEFIT CASH CARDS
(Unclaimed Cards from Batch 1 and Batch 2 and New Cards - Batch 3)
November 7-25, 2022 | 09:00AM - 03:00PM
Land Bank - C.Raymundo Branch & Land Bank - Pasig City Hall Branch
Magkakaroon ng distribusyon ng cash cards ng senior citizens simula bukas, November 7, 2022 hanggang sa November 25, 2022 na gaganapin sa Land Bank C. Raymundo at Pasig City Hall Branch, at piling ibang venue para sa ilang barangay na maraming cash cards ang kailangang ma-idistribute.
Pinapakiusapan po ang lahat na basahin muna nang mabuti ang material para maunawaan ang announcement.
Gabay sa pagbabasa ng material:
Photo #2: Mga Paalala ukol sa Distibution ng Cash Cards (nandito rin po ang detalye ukol sa kung sino ang mga makakatanggap ng cash cards sa distribution schedule na ito)
Photo #3: Requirements (ayon sa kung sino ang magki-claim)
Photo #4: Schedule at Barangays na assigned sa C. Raymundo Branch
Photo# 5: Schedule at Barangays na assigned sa Pasig City Hall Branch
Photo#6: Schedule at Barangays na may ibang venue (mga barangay na maraming cash cards for distrbution).
Hinihikayat pa rin natin ang pagsusuot ng face masks, lalo na ng senior citizens at pagdadala ng alcohol, inuming tubig, at sariling ballpen sa araw ng pag-claim ng inyong cash cards.
Link sa mga listahan ng pangalan.
I-click ang link na ayon sa inyong barangay. May dalawa pong listahan: (1) green ATM cards o yung mga nakapag-apply para magkaroon ng Land Bank Cash Card noong 2021 at nakapagpa-validate ngayong 2022; at (2) blue ATM cards o yung mga unclaimed card mula sa Batch 1 (2020) at Batch 2 (early 2021) na nakapagpa-validate ngayong 2022.
Kung may tanong o problema po sa mga pangalan sa listahan, magtungo po sa OSCA Operations Office, 4th Floor, Pasig City Hall. Hanapin si Ms. Gerina Labao.
Salamat po.