Distribution ng Unclaimed Financial Assistance (Mula sa Batch 2 at Batch 3) Para sa mga Lubhang Naapektuhan ng Habagat na Pinaigting ng Bagyong Carina

September 22, 2024

Para sa mga benepisyaryo ng financial assistance mula sa mga lubhang naapektuhan ng Habagat na pinaigting ng Bagyong Carina na HINDI pa nakapag-claim noong unang schedule ng distribution para sa Batch 2 at Batch 3 noong September 6, 10-13, 2024, magkakaroon pong muli ng scheduled distribution mula bukas, Lunes, hanggang sa Miyerkules (September 23-25, 2024).
I-check ang photo #2 para sa mga paalala; dito rin nakalagay ang requirements na kailangang dalhin sa araw ng inyong pag-claim at photo #3 naman para sa susunding schedule ng distribusyon ng UNCLAIMED financial assistance mula sa BATCH 2 at BATCH 3.
----
I-check ang listahan ayon sa category:
Batch 2: Mga lumikas sa evacuation centers ngunit wala sa masterlist kaya hindi nakabilang sa nabigyan ng financial assistance noong unang batch
Batch 3: Mga pamilya/indibidwal na lubhang naapektuhan ng Habagat/Bagyong Carina, ngunit hindi nakalikas (mga na-validate ng City Social Welfare and Development Office noong nagsagawa ng Rapid Damage Assessment sa mga barangay na lubhang naapektuhan: July 29 - August 4, 2024)
PAALALA: Tanging ang mga benepisyarong nasa listahan lamang na HINDI PA NAKAKAPAG-CLAIM ng kanilang financial assistance ang sakop ng distribusyon na ito.
Maraming salamat po.