Distribusyon ng Financial Assistance para sa Evacuee-Families na lubhang naapektuhan ng Habagat-Bagyong Carina, nagsimula na

July 31, 2024



Aabot sa nasa humigit kumulang 700 pamilya na lumikas sa Evacuation Centers mula sa Barangay Maybunga at Dela Paz ang nakatanggap ng financial assistance mula sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa pagsisimula ng distribisyon nito ngayong araw, July 31, 2024.
Ang bawat pamilya na lumikas papunta sa 25 evacuation centers ng Lungsod noong kasagsagan ng pananalasa ng Habagat na pinalakas pa ng Bagyong Carina ay makakatanggap ng PHP5,000.00 bilang financial assistance.
Magpapatuloy ang distribusyon ng financial assistance para sa evacuee-families hanggang sa Biyernes, August 2, 2024.
Sa pakikipagtulungan sa mga barangay, direktang kinokontak ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig ang mga benepisyaryo ng financial assistance para sa schedule at venue ng magiging distribusyon.
Tinatayang nasa higit 2,500 pamilya ang nanatili sa evacuation centers noong isang linggo at magsisilbing benepisyaryo ng nasabing financial assistance.
Samantala, ang mga residente na hindi na nakapag-evacuate ngunit nakatira sa mga lugar sa Lungsod ng lubhang naapektuhan ng pag-ulan at pagbaha, ay makakatanggap naman ng food packs.
Ang pamamahagi ng food packs ay ginagawa house-to-house. Nagsimula na ito noong Lunes, July 29, 2024.