DENR Declaration of Heritage Tree
June 30, 2024
Isang na namang matandang puno sa Lungsod ng Pasig ang opisyal na idedeklara ng Department of Environment and Natural Resources bilang "heritage tree" bukas, July 1, 2024.
Isa sa mga puno sa Maybunga Rainforest Park ang tinatayang may pitong (7) dekada nang nakatanim at nandoon na simula pa noong unang binuksan sa publiko ang nasabing parke.
Ito ang idedeklara bilang heritage tree at ang aktibdad na ito ay parte ng selebrasyon ng Araw ng Pasig 2024.