Country's Longest Postage Stamp by PHLPost, Design by Outstanding Pasigueño Derricl Macutay
July 12, 2024
Pasigueños!
Nakikilala niyo ba siya?
Si Roderick "Derrick" C. Macutay ay isa sa mga itinanghal na Outstanding Pasigueño sa larangan ng Sining. Siya ay kilala sa pagiging mural artitst at contemporary painter. Ilan sa mga kilalang mural na naipinta niya ay matatagpuan sa Museo Diocesano de Pasig at Pasig Catholic College.
Sa kasalukuyan, ito ang pinakamahabang postage stamp sa bansa at nakapagtala ng world record sa ilalim ng World Record Academy. Ipinasa rin ito para sumailalim sa pagsusuri ng Guiness World Record.
Tampok sa pinamagatang "Philippines: First Republic in Asia", ang pinakamahabang postage stamp na may sukat na 200 mm x 35 mm at binubuo ng tatlong strips, ang mga mga sumusunod na mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng ating bansa: Deklarasyon ng Kalayaan ng Pilipinas noong 1898; Pagdating ni Presidente Emilio Aguinaldo sa Malolos, Bulacan; Inagurasyon ng Unang Republika ng Pilipinas sa Barasoain Church noong 1899; Philippine-American War; Pakikipagsapalaran ni Aguinaldo sa hilagang Luzon; Apolinario Mabini sa Pangasinan; at pagkakahuli ni Aguinaldo sa Isabela.
Sanggunian: https://bit.ly/WRA_LongestPostageStamp
————
Ikaw ba ay may kilalang Natatanging Pasigueño katulad ni G. Macutay?
May pagkakataon pa para mainomina mo siya!
Huling tatlong araw ng para makapag-nomina sa Gawad Parangal sa mga Natatanging Pasigueño. I-check ang post na ito para sa mga detalye kaugnay nito: