CONGRATULATIONS! SDO Pasig City Athletes, Coaches, and Trainers (Overall Third Place | Best Performing Division)

July 16, 2024

Mainit na pagbati sa mga atleta, coaches, at trainers na nagsilbing delegasyon ng Schools Division Office (SDO) of Pasig City na kabilang sa mga kinatawan ng Pambansang Punong Rehiyon sa katatapos na Palarong Pambansa sa Cebu!
Mula sa nasa higit 200 SDOs sa buong bansa, itinanghal na Overall Third Place ang SDO Pasig City sa Best Performing Division na opisyal na iginawad sa ginanap na Closing Ceremonies ngayong araw July 16, 2024.
Ipinaaabot din ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig ang pagbati sa buong koponan ng Pambansang Punong Rehiyon (National Capital Region) sa pagkapanalo bilang Overall Champion (Elementary/Secondary) ng Palarong Pambansa!
Ikinalulugod ng Lungsod ng Pasig ang malaking ambag nito sa overall championship ng NCR.
One NCR: Stronger. Together. RISE! DepEd Tayo - NCR
———
Muli, congratulations sa mga atleta, coaches, at trainers na kumatawan di lamang sa ating lungsod, kundi sa buong National Capital Region.
Lubos kayong ipinagmamalaki ng Lungsod ng Pasig!
Makikita ang medal tally ng Palarong Pambansa sa link na ito: https://palarotracer.net/pages/live_gameresult.php
Samantala, mapapanuod ang Closing Ceremonies sa link na ito: https://www.facebook.com/DepartmentOfEducation.PH/videos/469980082311720