Congratulations sa pinakaunang batch ng Junior City Officials!

August 16, 2024



Bilang parte ng selebrasyon ng Linggo ng Kabataan ngayong Agosto, inilunsad ang Junior City Officials Program na alinsunod sa Sangguniang Kabataan Reform Act, partikular sa Section 30 (b) nito, kung saan ang mga kabataan ay magkakaroon ng pagkakataong maging "mini local government unit officials."
Ang mga nagpasa ng aplikasyon ay sumailalim sa selection process. Mula sa mga ito, napili ang unang batch ng Junior City Officials!
Ang mga napili ay magre-report sa mga opisina kung saan sila natalaga para sa two-day actual work sa darating na Lunes at Martes, August 19-20, 2024 at para sa post-activity evaluation sa Miyerkules, August 21, 2024.
Kita kits sa mga Aktibong Pasigueño na magiging Junior City Officials!
Para sa iba pang aktibidad na idaraos kaugnay ng selebrasyon ng Linggo ng Kabataan 2024, i-check ang Facebook Page ng Local Youth Development Office Pasig City.