Class Suspension due to SMOG in Metro Manila

September 22, 2023

ADVISORY

SUSPENDIDO ang FACE-TO-FACE afternoon (PM) classes sa lahat ng antas, pribado man o pampubliko, sa Lungsod ng Pasig  ngayong araw, September 22, 2023. 

Ito ay parte ng pag-iingat kaugnay ng nararanasang SMOG sa Metro Manila na posibleng dulot ng naitalang activity ng Taal Volcano. 

Tuluy-tuloy ang pakikipag-ugnayan ng Pasig City Disaster Risk Reduction and Management Office sa mga awtoridad at pag-momonitor sa updates kaugnay nito. 

Bilang proteksyon, pinapayuhan ang lahat na:

-magsuot ng face mask kung lalabas ng tahanan;

- hangga’t maaari ay limitahan ang paglabas ng bahay para mabawasan ang exposure sa smog;

-uminom nang maraming tubig para mabawasan ang anumang iritasyon sa lalamunan; at

-sumangguni sa doktor kung may maramdamang epekto ng smog sa kalusugan.

Mag-ingat po ang lahat. Maraming salamat.