CIVIC PARADE: MARTSA PARA SA PANAHON NG PASIGUEÑO
June 28, 2023
MARTSA PARA SA PANAHON NG PASIGUEÑO!
Sa Sabado, July 1, 2023, ay magkakaroon ng Civic Parade kaugnay ng selebrasyon ng ika-450 Araw ng Pasig. Lalahukan ang nasabing parada ng mga kinatawan mula sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig, tanggapan ng nasyunal na pamahalaan na naka-base sa Pasig, mga barangay, mga eskwelahan, at iba't ibang organizations sa ating lungsod. Magsisimula ito sa Sta. Clara de Montefalco Parish at magtatapos sa Pasig City Hall Quadrangle.
Ila-live rin ito dito sa Facebook Page ng Pasig City Public Information Office!
I-check ang nauna nang inilabas na Traffic Advisory na kasama ang ruta ng parada at traffic rerouting scheme na ipapatupad sa araw na ito: https://bit.ly/PC_2023CivicParade_TrafficAdvisory