CHILD DEVELOPMENT CENTERS | Enrollment Period: June 3-28, 2024
June 11, 2024
Moms, dads, at guardians ng mga chikiting sa Lungsod ng Pasig!
Ongoing na ang enrollment sa Pasig City Child Development Centers (CDC) para sa School Year 2024-2025!
I-check ang materials 2-6 para sa kumpletong listahan ng mga CDC sa inyong lugar na maaari ninyong puntahan para i-enroll ang inyong mga chikiting!
I-click lamang ang link ito para sa requirements na kailangan i-submit sa araw ng enrollment: https://bit.ly/CDCEnrollmentRequirements2024
Paalala lamang sa mga magulang at guardians na ang enrollment period ay magtatagal hanggang sa June 28, 2024 (Friday). Ang mga CDC ay tumatanggap ng enrollees mula Lunes hanggang Biyernes, 07:00AM-04:00PM, liban na lamang kung holiday. Kaya naman, ihanda na ang requirements at punta na sa pinakamalapit na CDC sa inyong lugar!
Para sa mga karagdagang katanungan, maaari kayong makipag-ugnayan sa mga Child Development Workers sa ating mga CDC.