CALLING PASIGUEÑO FASHION DESIGNERS | Sulsi Fashion Designers Competition

April 11, 2024

CALLING PASIGUEÑO FASHION DESIGNERS!
Gusto niyo bang maipamalas ang inyong angking galing sa pagdisenyo ng mga kasuotan? Pwes, ito na ang sign na hinihintay ninyo!
Sa darating na Sabado, April 13, 2024 ay magkakaroon ng screening para sa SULSI | Pasigueño Fashion Designers Competition!
Target dito ay magkaroon ng representante kada barangay at ang mga mapipili ang siyang magdidisenyo ng mga isusuot ng mga mapipili ring Mutya ng Pasig 2024 candidates!
Para sa mga interesado at willing sumailalim sa screening process, magtungo lamang sa Tanghalang Pasigueño sa Sabado, 09:00AM onwards dala ang inyong (1) curriculum vitae (resume) at (2) portfolio!
Para sa mga katanungan, magpadala ng email sa: ocmeventmanagement@gmail.com
Kita kits sa Sabado!