CALL FOR PARTICIPANTS | Himig Pasigueño 2024: Grade School Edition
December 3, 2024
CALLING ALL ELEMENTARY SCHOOL CHORALE GROUPS IN PASIG CITY!
Dahil sa nalalapit na pagdiriwang ng kapaskuhan, inaanyayahan ang lahat ng CHORALE GROUPS sa lahat ng public at private ELEMENTARY SCHOOLS sa Lungsod ng Pasig na sumali sa gaganaping HIMIG PASIGUEÑO 2024: GRADE SCHOOL EDITION.
Ang nasabing kompetisyon ay gaganapin sa darating na December 18, 2024, 04:00PM onwards sa Asamblea Magna, Tanghalang Pasigueño, Pasig City.
Sa mga nais sumali sa kompetisyon na ito, ang registration ay bukas hanggang December 6, 2024, 08:00AM - 05:00PM, sa opisina ng Pasig City Cultural Affairs and Tourism Office, 8/F ng Pasig Revolving Tower.
Bilang gabay sa magaganap na kompetisyon, i-check ang material #2 at #3 para sa mga detalye tungkol dito. Ang top 3 winners ay magkakaroon din ng pagkakataong mag-perform sa Concert at the Park na gaganapin sa December 20, 2024 sa Maybunga Rainforest Park.
Mag-practice na ng inyong mga piyesa at mag-register na!
——————
Nauna nang nakipag-ugnayan ang CATO sa Schools Division Office of Pasig City para sa pag-facilitate rin sa imbitasyon sa mga elementary school sa lungsod ng Pasig.