CALL FOR PARTICIPANTS | Hataw Pasigueño 2024: Grade School Edition
December 3, 2024
Pasigueño Elementary School Dancers, handa na ba kayo?
Bilang parte ng selebrasyon ng kapaskuhan sa Lungsod ng Pasig, bukas na ang aplikasyon para sa mga public at private Elementary School Dance Group na nais lumahok sa gaganaping Hataw Pasigueño 2024: Grade School Edition.
Ang tema para sa dance competition sa taong ito ay "Pasko sa Pasig", at ito ay gaganapin sa darating na December 19, 2024, 04:00PM onwards sa Asamblea Magna, Tanghalang Pasigueño, Pasig City.
Kaya naman para sa mga nais sumali, i-check na ang material #2 and #3 para sa mahahalagang detalye tungkol sa Hataw Pasigueño 2024. Ang registration ay bukas hanggang December 6, 2024, 08:00AM - 05:00PM, sa opisina ng Pasig City Cultural Affairs and Tourism Office, 8/F ng Pasig Revolving Tower.
Ihanda na ang inyong amazing dance moves at mag-register na!
——————
Nauna nang nakipag-ugnayan ang CATO sa Schools Division Office of Pasig City para sa pag-facilitate rin sa imbitasyon sa mga elementary school sa lungsod ng Pasig.