CALL FOR PARTICIPANTS: Bibong Bulilit Talent Showcase (November 15, 2024)
November 12, 2024
Inaanyayahan ang Persons with Autism at Persons with Down Syndrome na lumahok at ipamalas ang kanilang talento!
Ito ay bukas para sa mga kalahok na may PWD ID mula sa Persons with Disability Affairs Office (PDAO) ng Lungsod ng Pasig.
Ang bawat kalahok ay may 2 minuto para sa preparation at 5 minuto para sa kanilang presentation.
Ang programang ito ay inihahandog ng City Social Welfare and Development Office sa pakikipagtulungan sa PDAO, bilang bahagi ng ika-32 selebrasyon ng National Children's Month ngayong Nobyembre 2024. Ang tema ng pagdiriwang ngayong taon ay: “Break the Prevalence, End the Violence: Protecting Children, Creating a Safe Philippines."
Alamin mula sa material na ito ang iba pang detalye ng patimpalak. Para magparehistro, i-click ang link na ito: https://forms.gle/NR7QXGxzMz9SgnJ87 o kaya ay i-scan ang QR code na makikita sa material.
Halina’t makiisa sa makabuluhang pagdiriwang ng talento at pag-asa!