Calendar of Activities: National Children's Month 2024 in Pasig City

November 4, 2024

November is National Children’s Month!
Nakikiisa ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa selebrasyon ng ika-32 National Children's Month ngayong November 2024 na may temang “Break the Prevalence, End the Violence: Protecting Children, Creating a Safe Philippines." Ito ay na nakatuon sa pagprotekta sa mga bata laban sa anumang uri ng karahasan.
Alamin mula sa material ang mga aktibidad na inihanda na Pamahalaang Lungsod ng Pasig, na pangungunahan ng City Social Welfare and Development Office at pakikipagtulungan nito sa iba't ibang tanggapan para sa month-long celebration ng Buwan ng mga Bata!
Pasigueños, tara na’t makilahok! Sama-sama nating isulong ang kaligtasan at karapatan ng kabataan!