Business Status List (2024 Business Registration Renewal Season)

December 19, 2023

Heads up sa business owners sa Pasig!
Maaari nang simulan ang inyong paghahanda para sa nalalapit na business renewal season sa January!
Alamin kung may kailangan pang i-comply ang inyong business para less hassle sa pag-renew sa 2024.
I-check ang inyong business status sa site na ito: businessstatuslist.pasigcity.gov.ph
Nilalaman ng site na ito ang status ng inyong negosyo sa regulatory offices ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig (kabilang ang sa Bureau of Fire Protection) bilang preparasyon sa nalalapit na business renewal season.
-Kung makikita ang “Provisionally cleared for processing,” ibig sabihin ay walang concern sa isang negosyo.
-Kung may lalabas na “Regulatory Office” at “Status,” mangyaring pumunta kaagad sa nasabing regulatory office upang maresolba ang concern sa inyong negosyo bago pa man ang business renewal season.
Bukas ang mga ito simula Lunes hanggang Biyernes, 08:00AM - 05:00PM, liban kung holiday.
PAALALA: Hindi kasama sa database na ito ang deficiencies sa ilalim ng mga barangay sa Pasig. Mangyaring makipag-ugnayan sa kanila nang direkta bago pa magpa-renew ng business registration sa January.