Business Permit Renewal, Extended Muli!
January 26, 2023
ADVISORY
BUSINESS PERMIT RENEWAL, EXTENDED MULI HANGGANG JANUARY 31, 2023
Extended muli hanggang sa January 31, 2023 (Martes) ang deadline ng assessment at pagbabayad ng business tax para makapag-renew ng business permit ngayong taon.
Ito ay alinsunod sa Pasig City Resolution No. 9-11, s. 2023. Sa ilalim ng nasabing resolusyon, hindi magkakaroon ng penalties at surcharges* ang business owners na makakapagpa-assess at bayad ng business tax sa loob ng extension period.
Hinihikayat ang mga business owner na magpa-assess at magbayad na ng business tax bago pa o hanggang sa Martes dahil ito na ang huling extension ng business renewal period. Ang hindi makakapagpa-renew sa itinakdang extension ay mapapatawan na ng penalty pagtungtong ng February 1.
*Ang hindi pagkakaroon ng penalties at surcharges ay applicable lamang sa businesses na walang delinquencies.