BSKE 2023

October 30, 2023

Ngayong Barangay and Sangguniang Kabataan Elections, binibigyan tayo ng pagkakataong makapaghalal kung sino ang mga opisyal na magsisilbing tagapangalaga ng ating mga barangay at representante ng mga kabataan sa paggogobyerno. 

Bago pa man ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig, ang barangay government units ang pinakaunang rumeresponde sa mga nasasakupan nito dahil ito ang pinakamalapit na yunit ng pamahalaan sa mga tao. Ang mga mananalong opisyal ay maglilingkod ng tatlong taon — kaya naman piliin natin kung sino ang ating maaasahan at magiging responsable sa pangangalaga ng ating mga barangay, mga residente, at resources nito. 

Ngayong BSKE 2023, iboto natin si Wisely! Este, let’s vote wisely —- tungo sa responsibo, bukas sa pakikilahok, at matinong paggobyerno sa mga barangay!