Breaking Barriers: Here are Some of the Gender Stereotypes to Avoid for a More Inclusive Society
May 11, 2024
Narito ang ilan sa Gender Stereotypes na dapat nating iwasan upang maitaguyod ang isang lipunang patas, pantay, inklusibo, at malaya sa diskriminasyon at panghuhusga.
-
Ang Gender Stereotypes ay mga pangkalahatang paniniwala o kaisipan tungkol sa mga tamang papel, katangian, gampanin, at asal ng mga tao batay sa kanilang kasarian.
Halimbawa nito ay ang paniniwalang ang mga lalaki ay dapat malakas at matapang, habang ang mga babae ay dapat mahinahon at malambing.
Ang pagtanggap at pagpapalawig ng mga gender stereotypes ay maaaring humantong sa diskriminasyon, hindi pagkakapantay-pantay, at pagpigil sa indibidwal na makamit ang kanilang potensyal.
Collectively, WE can all #InspireInclusion