Bisitahin ang Marian Exhibit 2024 sa Pasig City Museum
October 18, 2024
Halina’t bisitahin ang Marian Exhibit 2024 sa Pasig City Museum!
Tampok dito ang nasa 80 imahen ng Mahal na Birhen na pagmamay-ari ng mga deboto mula sa Pasig at ibang lugar gaya ng Mandaluyong City, Quezon City, Taguig City, at Cainta, Rizal.
Bukas ang nasabing exhibit araw-araw para sa publiko hanggang October 25, 2024. Para sa mga interesadong bumisita, maaari itong puntahan mula 08:00AM hanggang 08:00PM sa 2/F ng Pasig City Museum. Ang pagpasok sa exhibit ay libre para sa lahat.
Ang Marian Exhibit ay naging posible sa pagtutulungan ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig at ng Camarero y Camarera de la Virgen.
Viva la Virgen!