BENCHMARKING VISIT NG MUNISIPALIDAD NG ALANGALANG, LEYTE SA PASIG CITY
February 14, 2023
Higit 100 representante mula sa 36 barangays ng Munisipalidad ng Alangalang, Leyte ang nagsagawa ng benchmarking visit sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig ngayong araw, February 14, 2023.
Layunin ng nasabing benchmarking activity na maibahagi ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig ang best practices ng lungsod sa delegasyon mula sa Alangalang, Leyte na binubuo ng barangay captains, barangay kagawad, barangay treasurers, sa pangununa ng presidente ng kanilang Liga ng mga Barangay. Naging paksa ng benchmarking visit ang mga programa at proyekto ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa ilalim ng five priority thrusts ng administrasyon at implementasyon ng Freedom of Information sa Pasig.