BENCHMARKING STUDY NG PAMAHALAANG LUNGSOD NG PASIG SA CARMONA, CAVITE

February 2, 2023



Nagsagawa ng isang benchmarking visit ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa Carmona, Cavite ngayong araw, February 2, 2023. Layunin ng nasabing benchmarking visit na mapag-aralan ang best practices ng naturang local government unit (LGU) sa pagpapatupad ng mga programa, proyekto, at aktibidad para sa persons with disability (PWDs), kabilang ang children with special needs. 


Sa pangunguna ni Mayor Dahlia Loyola, nagkaroon ng presentasyon ukol sa mga programa at serbisyo ng Lokal na Pamahalaan ng Carmona para sa PWDs tulad ng Comprehensive Approach Responsive Education and Rehabilitation at Community-Based Inclusive Development. 


Bukod sa naging presentasyon, nabisita rin ng delegasyon mula sa Pasig City sa iba’t ibang pasilidad ng Carmona tulad ng BML SPED Center at Training and Development Center, kasama ang Head ng Persons with Disability Affairs Office na si Ms. Rosebelle Mercurio. 


Ang mga natutunan ng delegasyon ng Pasig City mula sa benchmarking study na ito ay gagamitin bilang inputs parang mas mapalawig at mas mapalakas ang implementasyon ng mga programa at proyekto para sa sektor ng PWD.


Ang delegasyon ng Pasig na nagpunta sa Carmona, Cavite ay binubuo ng mga kinatawan mula sa Office of the City Mayor, Special Children Educational Institute, at Barangay San Antonio.