BAWAL ANG BASTOS SA PASIG!

April 28, 2024




Noong Marso 11, 2024, opisyal nang naipasa ang lokalisasyon ng Republic Act 11313 o ang Safe Spaces Act sa Lungsod ng Pasig at ang pagpapataw ng multa at parusa sa sinumang lumalabag dito sa pamamagitan ng Pasig City Ordinance No. 16, s. 2024.
Ang Safe Spaces Act ay naglalayong tugunan ang mga isyu at insidente ng Gender-Based Sexual Harassment (GBSH) na nangyayari sa mga pampublikong sasakyan, kalsada, pampublikong lugar, online, lugar ng trabaho, mga institusyong pang-edukasyon at pagsasanay, at iba pa.
Basahin sa materyal ang ilan sa mga gawaing maituturing na GBSH at ang mga kaakibat na multa’t parusa.
Sa kasalukuyan, aktibong pinapangasiwaan ng Pamahalaang Lungsod ang pagtatatag ng Anti-Sexual Harassment (ASH) Referral Network at ang pagkakaroon ng ASH Hotline upang mabilis na matugunan ang mga insidente ng GBSH at maipagkaloob ang nararapat na tulong at aksyon sa mga biktima ng panghahaharass.