BARANGAY COMPUTER LITERACY PROGRAM x PASIG CITY LIVELIHOOD CENTER CERTIFICATION DAY

October 26, 2023



Nasa higit 500 graduates na sumailalim sa Barangay Computer  Literacy Program (BCLP) ang nagsipagtapos sa ika-24 na Certification Day ng nasabing programa ngayong araw, October 26, 2023. 

Nagsilbing graduates ng BCLP ang mga mula sa mga barangay ng Pasig na na-train ng nasabing programa, kabilang ang nasa 21 empleyado ng Office of General Services at 25 empleyado ng Office on Social Welfare and Development. Naging star ng Certification Day ng BCLP si Ginang Charito, ang pinakamatandang graduate na 86 years old na. Tunay ngang wala sa edad ang kagustuhan at pagpupursige na linangin ang pansariling kakayahan.

Samantala, noong kinahapunan naman ay nasa higit 3,400 ang grumaduate mula sa ika-43 Certification Day ng Pasig City Livelihood Training Center. Ang mga nagsipagtapos ay mula sa pitong kurso at mula rin sa 30 barangay ng Pasig na na-cover din ng Livelihood Training Center. 

Present sa naging Certification Day sina Mayor Vico Sotto, Vice Mayor Dodot Jaworski, Jr., Congressman Roman Romulo, at Councilor Simon Tantoco na nagbigay ng mensahe para sa mga nagsipagtapos at kasama rin sa mga nag-abot ng certificates sa mga ito.

Bukas, October 27, 2023 ay magaganap naman ang Certification Day ng Pasig City Institute of Science and Technology - Bambang.