BALIK ESKWELA | Schedule of Opening of Classes for SY 2024-2025
July 28, 2024
Heads up, mga magulang at mag-aaral mula sa public schools sa Lungsod ng Pasig!
Ipagpapaliban muna ang pagbubukas ng bagong school year bukas, July 29, 2024 para mabigyan pa ng karagdagang panahon ang mga estudyante at kanilang mga pamilya na maka-recover mula sa mga naging epekto ng kalamidad noong mga nakaraang araw at makapagbigay daan din sa ongoing clearing operations.
Samantala, mayroon pa ring mga mangilan-ngilan na magsisimula sa August 1, 2024 at August 5, 2024.
I-check ang material para sa schedule ng opening ng mga klase sa public schools sa Lungsod ng Pasig na nabuo matapos ang koordinasyon sa pagitan ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig at Department of Education - Schools Division Office - Pasig City.