Bagyong Pepito | Weather Update (as of 2:00AM, November 17, 2024)

November 17, 2024

Tropical Cyclone Bulletin Dost_pagasa: http://bit.ly/48RMYg8
Super Typhoon #PepitoPH
Nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa Metro Manila, kung saan kabilang ang Lungsod ng Pasig
• Ayon sa latest forecast, tinatayang magsisimulang maramdaman sa Lungsod ng Pasig ang Super Typhoon #PepitoPH bandang 04:00AM - 05:00AM ngayong araw
• Magdadala ng malakas na hangin, mataas na wind speed, at malakas na pag-ulan ang bagyong ito na tinatayang magpi-"peak" o pinakamararamdaman sa Lungsod ng Pasig bandang tanghali o hapon ngayong araw. Posibleng maitaas ang yellow heavy rainfall warning sa Metro Manila.
• Napansin din ang pag-angat bahagya ng track ng bagyo at pagbagal ng paggalaw nito.
• Maaaring umabot sa hanggang Tropical Cyclone Wind Signal No. 4 ang maitataas sa Metro Manila batay sa pinakahuling track ng bagyo.
PAALALA na forecast lamang po ito at maaring mabago depende sa magiging paggalaw ng bagyo.
———————
• Sumunod sa abiso ng inyong barangay officials, lalo na kung kailangang mag-evacuate. Ihanda ang Emergency Go Bags para madaling dalhin kung kailangang lumikas.
• Patuloy na i-monitor ang lagay ng panahon. Magkakaroon ng susunod na update nito mula sa PAGASA mamayang 05:00AM.
• Bago pa man tuluyang maramdaman ang mga epekto ng bagyo, magsagawa na ng mga kinakailangang preparasyon.
• Para sa emergencies, tumawag sa Pasig City Hotline Number 8643 0000.
Mag-ingat po ang lahat!