Bagyong Pepito | Weather Update (as of 11:00AM, November 17, 2024)

November 17, 2024

Tropical Cyclone Bulletin
Super Typhoon #PepitoPH
Nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa Metro Manila, kung saan kabilang ang Lungsod ng Pasig
• Ayon sa latest forecast, makakaranas ng moderate to heavy rainfall sa Metro Manila ngayong araw.
• Ang kasalukuyang lokasyon ng sentro ng ST #PepitoPH ay 120 km East Southeast ng Baler, Aurora.
• Magdadala ng malakas na hangin, mataas na wind speed, at malakas na pag-ulan ang bagyong ito na tinatayang magpi-"peak" o pinakamararamdaman sa Lungsod ng Pasig bandang tanghali o hapon ngayong araw.
PAALALA na forecast lamang po ito at maaring mabago depende sa magiging paggalaw ng bagyo.
———————
• Sumunod sa abiso ng inyong barangay officials, lalo na kung kailangang mag-evacuate. Ihanda ang Emergency Go Bags para madaling dalhin kung kailangang lumikas.
• Patuloy na i-monitor ang lagay ng panahon. Magkakaroon ng susunod na update nito mula sa PAGASA mamayang 02:00PM.
• Bago pa man tuluyang maramdaman ang mga epekto ng bagyo, magsagawa na ng mga kinakailangang preparasyon.
• Para sa emergencies, tumawag sa Pasig City Hotline Number 8643 0000.
Mag-ingat po ang lahat!