Bagyong Pepito | #PasigHanda: Pasig City Emergency Go Bag

November 16, 2024

Madalas na pinapaalala ang paghahanda ng Pasig City Emergency Go Bags, lalo na kapag panahon ng mga kalamidad.
Sa kasalukuyan, pinaghahandaan natin ang magiging epekto ng Bagyong #PepitoPH sa Metro Manila na ayon sa mga forecast ay mas mararamdaman natin mamayang gabi hanggang bukas. Prepared na ba ang Emergency Go Bag ng inyong pamilya?
Kung sakaling kailangan ng refresher tungkol sa laman ng Emergency Go Bag at kung paano gamitin ang mga laman na ito, panuorin ang video na ito.
Bukod sa mga laman nito na mula sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig, maaaring i-check ang Family Preparedness Booklet para makita ang checklist kung ano ang mga maaaring idagdag pa ng inyong pamilya sa Emergency Go Bag.

Para makita ang buong video patungkol sa paggamit ng Emergency Go Bag, i-click ang link na ito: