Araw ng Pasig 2024 | Serenata para sa Mutya ng Pasig Revolving Tower

June 27, 2024

Bilang parte ng selebrasyon ng Araw ng Pasig 2024 at ng ika-50 anibersaryo ng Mutya ng Pasig Revolving Tower ngayong taon, samahan ninyo kami sa gaganaping Serenata para sa Mutya ng Pasig Revolving Tower ngayong araw, June 27, 2024, alas sais ng gabi sa Tanghalang Pasigueño Open Grounds.
Sabay-sabay tayong haharanahin ng Pasig City Band kasama ang mga batang Pasigueño na sumailalim sa Music Appreciation Program ng ating lungsod!
Ang Serenata para sa Mutya ng Pasig Revolving Tower ay libre at bukas para sa lahat para mapanood ng live ang performances ng Pasig City Band at mga kabataang Pasigueño!
Nais manood ngunit hindi makakapunta sa Tanghalang Pasigueño? Huwag mag-alala dahil gaya ng ibang activities kaugnay ng Araw ng Pasig, may livestream sa Pasig City Public Information Office at Pasig City Band Facebook pages para sa inyo!
Kita-kits!