Araw ng Pasig 2024 | July 3, 2024 Activities

July 2, 2024

Nabitin sa Araw ng Pasig 2024?
Huwag mag-alala dahil hindi pa tapos ang ating selebrasyon ng Araw ng Pasig ngayong taon!
Bilang pagpapatuloy ng pagdiriwang, may mga handog na aktibidad/proyekto pa ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa mga Pasigueño!
Bukas, July 3, 2024, unang makakaroon ng distribusyon ng cash subsidy para sa eligible na solo parents sa Lungsod sa Pasig, bilang implementasyon ng Pasig City Comprehensive Solo Parent Ordinance.
Bukod pa rito, magkakaroon din ng groundbreaking ceremony para sa renovation ng Pasig City Children's Hospital na gagawin bilang paghahanda na rin sa conversion nito mula sa pagiging isang Specialized Hospital para maging isang General Hospital para patuloy itong makapag-cater sa mas maraming Pasigueño at hindi malilimitahan sa pagbibigay ng medikal na atensyon sa mga bata.
Bago pa man matapos ang araw bukas ay magkakaroon din ng pep rally/send off para sa mga kabilang sa delegasyon ng Lungsod ng Pasig para sa gaganaping 2024 Palarong Pambansa, National Festival of Talents, Learning Convergence, at National Schools Press Conference na gaganapin sa Cebu!
Kaya patuloy lang na tumutok dito sa sa Facebook Page ng Pasig City Public Information Office para sa iba pang kaganapan kaugnay ng 2024 Araw ng Pasig!