Araw ng Pasig 2024 | Activities

July 1, 2024

PasigueƱos! Handa na ba kayo para sa Araw ng Pasig 2024?
Narito ang mga ganap bukas, July 2, 2024 para sa selebrasyon ng Araw ng Pasig ngayong taon!
Sama-sama po tayong magparada simula Sta. Clara de Montefalco ng 06:30AM papuntang Pasig City Hall Quadrangle para sa Pasig City Civic Parade!
Ang Civic Parade ay lalahukan di lamang ng mga opisyal at kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig, dadalo rin ang mga kinatawan mula sa mga barangay, nasyunal na pamahalaan, mga paaralan, private organizations, religious organizations, civil society organizations sa Lungsod ng Pasig, at marami pang iba!
I-check ang TRAFFIC ADVISORY kaugnay ng Civic Parade sa link na ito: https://bit.ly/TrafficAdvisory_CivicParade2024
Samantala, bilang pakikiisa ng ilang stall owners/vendors, magkakaroon ng discounts at freebies sa Mutya ng Pasig Mega Market simula 05:00AM hanggang 08:00PM.
Magkakaroon din ng Misa ng Pasasalamat ng 03:00PM, sa Immaculate Conception Cathedral of Pasig.
At syempre, di matatapos ang Araw ng Pasig kung walang Gabi ng Pasasalamat concert (magkakaroon ng hiwalay ng posting kaugnay nito).
Kita-kits bukas!