Araw ng mga Bayani | Ika-28 ng Agosto 2023
August 28, 2023
Kaisa ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa selebrasyon ng Araw ng mga Bayani ngayong Agosto 28, 2023 na may temang “Karangalan, Katungkulan, Kabayanihan.”
Para sa pagdiriwang sa Lungsod ng Pasig, isang maiksing programa ang ginanap sa Plaza Rizal kaninang umaga na pinangunahan nina Mayor Vico Sotto, Vice Mayor Dodot Jaworski, Jr. at mga miyembro ng 11th Sangguniang Panlungsod ng Pasig, at Congressman Roman Romulo. Dinaluhan din ito ng mga kinatawan mula sa mga nasyunal na pamahalaan at ng iba’t ibang organisasyon sa lungsod katulad ng Girl Scouts, Boy Scouts, Rover Scouts, Masonic Lodge No. 409, at mga opisyales ng Brgy. Malinao. Naging parte rin ng selebrasyon ang performance ng Global Sikaran Federation, Inc.
Sa kanyang pahayag, nagbigay pugay si Mayor Vico Sotto di lamang sa mga pambansang bayani, kundi sa mga bayaning Pasigueño katulad ni Gen. Valentin Cruz, maging ang mga nasa 2,000 Pasigueño na lumahok sa rebolusyon laban sa mga mga mananakop, na kilala bilang Nagsabado sa Pasig, na gugunitain din bukas, Agosto 29, 2023. Bukod pa sa mga bayani, ipinaalala rin ni Mayor Vico na ang bawat isa ay may tungkulin sa bayan na dapat gampanan upang patuloy nating matamasa ang ating kasarinlan at patuloy na mapaunlad ang ating bansa.
Para mapanuod ang maiksing programa kaninang umaga, i-check ang link na ito: bit.ly/ArawNgMgaBayani2023