Araw ng Manggagawa 2025
May 1, 2025

Pagbibigay pugay sa mga manggagawa ngayong Araw ng Paggawa!
Ngayong araw, ipinagdiriwang natin ang di matatawarang dedikasyon at kontribusyon ng mga manggagawang Pilipino di lamang sa ating bansa, kundi sa buong mundo.
Nakikiisa ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa selebrasyon ng ika-123 Araw ng Paggawa na may temang “Manggagawang Pilipino, Kaagapay sa Pag-unlad, Sandigan ng Mas Matatag na Pilipinas.”
Mabuhay ang manggagawang Pilipino; Mabuhay ang manggagawang Pasigueño!