ARAW NG KALAYAAN 2023 JOB FAIR

June 8, 2023

JOB FAIR ALERT!


Kaugnay ng pagdiriwang ng ika-125 taon ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas, magkakaroon ng Job Fair sa darating ng Lunes, June 12, 2023, sa Rizal High School Gymnasium, simula 09:00AM hanggang 4:00PM.


Halos 60 kumpanya ang nagpahayag ng pagdalo sa event na ito kaya naman hinihikayat ang lahat, lalo na ang first time job seekers na dumalo at maghanda ng maraming kopya ng inyong mga resume at sariling ballpen! Ihanda rin ang sarili dahil maaaring ma-interview at mapabilang sa mga maha-hire-on-the-spot!


Ang job fair na ito ay magsisilbi ring ONE-STOP SHOP para sa employment requirements dahil maaari ring magpropreso rito ng mga dokumento mula sa SSS, BIR, Pag-Ibig, at PNP (Police Clearance).


Para sa first time job seekers na kukuha ng libreng police clearance, magdala ng Barangay Certificate at Oath of Undertaking mula sa inyong mga barangay na nagpapatunay na kayo ay first time job seekers.


Ang job fair event na ito ay naging posible sa pagtutulungan ng Department of Labor and Employment at Pasig City Public Emplyment Service Office.


Kita kits, Pasigueños!