Araw ng Kagitingan 2025

April 9, 2025

Kaisa ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa paggunita ng ika-83 Anibersaryo ng Araw ng Kagitingan.
Ngayong araw, sabay-sabay nating bigyang pugay ang katapangan at sakripisyo ng ating mga bayani na buong tapang na lumaban noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig upang makamit ang ating kalayaan. Parte ito ng pagdiriwang din ng Philippine Veterans Week ngayong 2025. Ang selebrasyon ngayong taon, na pangungunahan ng Department of National Defense at Philippine Veterans Affairs Office, ay may temang “Kabayanihan ng Beterano: Sandigan ng Kaunlaran ng Bagong Pilipinas.”
Nawa’y magsilbing inspirasyon ang kanilang kagitingan sa patuloy nating pagharap sa mga hamon ng makabagong panahon!
Maligayang Araw ng Kagitingan, Pasigueños!