Araw ng Kagitingan 2023

April 9, 2023

Kaisa ng National Historical Commission of the Philippines ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa paggunita ng ika-81 anibersaryo ng Araw ng Kagitingan ngayong taon na may temang “Kagitingan ng mga Beterano, Pundasyon ng Nagkakaisang Pilipino.” 

Alinsunod sa Office of the President Proclamation No. 90, s. 2022 at kaugnay ng selebrasyon ng Araw ng Kagitingan ngayong 2023, idineklarang Regular Holiday ang April 10, 2023 (Monday).