Application Guidelines for Government Internship Program (GIP) for Oct 2024 - Jan 2025
October 2, 2024
Magandang balita para sa mga out-of-school-youth na gustong ma-experience ang Government Internship Program o GIP sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig!
Sa darating na Biyernes, October 4, 2024, magkakaroon muli ng online application para sa GIP! Kaya naman kung ikaw ay PasigueƱo na edad 18-30 at kasalukuyang hindi enrolled o hindi nag-aaral ngayong school year, ito na ang pagkakataon mo na mag-apply bilang GIP sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig!
I-check ang material para sa mga detalye.
Gabay sa material:
Material #1: Schedule ng online application at implementation period ng GIP
Material #2: Qualifications at requirements
Material #3: Proseso para makapag-apply sa GIP
PAALALA: Magkaiba ang link na dapat sagutan ng mga aplikante mula sa mga barangay ng District 1 at District 2.
Para mapunan ang 250 slots, first 100 qualified applicants para sa District 1 at first 150 qualified applicants naman para sa District 2 ang tatanggapin ng PESO. Kaya naman para sa mga interesadong mag-apply, tingnan maigi ang online application form link na inyong sasagutan.