Ano ang Rabies?

May 11, 2024



Sa mga nakaraang linggo ay na-obserbahan ng Pasig City Health Department ang pagtaas ng kaso ng kagat ng hayop sa ating lungsod.
Ayon sa pag-aaral, ang bilang ng mga kaso ng mga nakakagat ng alagang hayop ay tumataas sa panahon ng tag-init dahil mas madalas na nasa labas ang mga bata at nakikipaglaro sila sa aso. Minsan naman, iritable ang mga alagang hayop dahil sa init ng panahon.
I-check ang material para sa mga impormasyon tungkol sa rabies at mga paunang hakbang na maaring gawin kapag nakagat ng inyong mga alagang hayop.